^

Bansa

Quarantine classification sa Biyernes iaanunsiyo

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maaaring sa Biyernes pa ianunsiyo ng Malakan-yang ang susunod na quarantine classification sa bansa.

Ito ay dahil ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay holiday ang Huwebes, Mayo 13 dahil sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Dahil dito kaya sa Mayo 14 inaasahan na maisasapinal ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon kay Pangulong Duterte.

Paliwanag pa ni Roque, itatawag na lang nila sa Pangulo ang mga rekomendasyon ng IATF at saka ito magdedesisyon kung aprubado niya ito o hindi.

Kaagad din umano nila itong iaanunsiyo sa Biyernes sa oras na tumugon na ang Pangulo.

Nauna nang sinabi ni Roque na posibleng isai-lalim na sa General Community Quarantine ang NCR Plus dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 at pagluwag ng mga ospital.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with