^

Bansa

Kahit mag-GCQ, border ng Pinas sarado pa rin

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kahit na magluwag ang quarantine classification ngayong linggo, mananatili pa rin naka­sara ang border ng Pilipinas.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na kahit ilagay na sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) plus at iba pang bahagi ng bansa ay bawal pa rin ang turismo.

Tanging ang mga dayuhan lamang umano na mayroong investors visa ang papayagang makapasok sa Pilipinas.

Idinagdag pa ni Ro-que na, hindi rin bubuksan ng bansa ang border nito sa mga mang­­galing ng India, Pakistan, Nepal, Bangladesh at Sri Lanka na kamakailan lang ay pinatawan ng gobyerno ng travel ban.

Ito ay para maiwa­san ang pagpasok ng double mutant variant ng COVID-19 mula sa India.

Matatandaan na epek­tibo ang travel ban sa India at mga kalapit na bansa nito hanggang Mayo 14, subalit ayon kay Roque posible pa itong palawigin.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with