^

Bansa

GCQ posible na sa NCR Plus

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
GCQ posible na sa NCR Plus
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t ayaw naman niyang pangunahan ang magiging pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil hindi pa sila nakakapagpulong sa classification ay may posibilidad na mapunta na sa GCQ ang NCR Plus.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Posibleng isailalim na sa General Community Qua­rantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Presidential  Spokesman Harry Roque, bagama’t ayaw naman niyang pangunahan ang magiging pasya ng Inter-Agency Task Force (IATF) dahil hindi pa sila nakakapagpulong sa classification ay may posibilidad na mapunta na sa GCQ ang NCR Plus.

Ito ay kung susundan ang formula sa pagtatakda ng quarantine classification at dahil bumaba na rin umano ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa at lumuluwag na rin ang mga ospital.

Siniguro naman ni Roque na bago mag-Mayo 15 ay mag-aanunsiyo ng bagong quarantine classification ang Pangulo.

Kaugnay nito, pinaalalahanan naman niya ang publiko na turismo at ang pag-swimming ay hindi pa rin pinapayagan sa ilalim ng modified enhance community quarantine.

Ang panawagan ay kasunod ng nag-viral na video sa social media na maraming nag-swimming sa resort na Gubat sa Ciudad sa Caloocan City.

 

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with