^

Bansa

Roque rumesbak kay Carpio

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinontra ni Presidential spokesman Harry Roque ang sinabi ni dating Supreme Court (SC) Justice Antonio Carpio na maaaring mapatalsik  sa puwesto ang pangulo dahil sa “betrayal of public trust at national interest” dahil sa posisyon niya sa  usapin sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Roque, nagpapapansin lang si Carpio dahil bago lamang sa politika at sasabihin ang lahat para mapansin at makakuha ng atensyon.

Tanong pa niya, bakit betrayal of public trust gayung wala namang nawalang teritoryo sa ilalim ng administrasyong Duterte at wala rin binigay na teritoryo sa China.

Hinamon naman niya si Carpio na kung naniniwalang may nilabag na batas ang Pangulo sa naging posisyon sa WPS ay maaaring dalhin ang isyu sa Korte Suprema.

Ang impeachment umano laban sa Pangulo ay hindi lamang remedyo, lalo pa at kahit sinong ordinaryong mamamayan ay maaaring maghain ng reklamo sa SC.

 

vuukle comment

HARRY ROQUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with