^

Bansa

‘Lingküd Bayanihan Caravan’ vs kagutuman sa Metro Manila inilunsad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa gitna ng panibagong lockdown bunsod nang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, ilang grupo mula sa private sector ang nagtipun-tipon upang labanan ang nararanasang kagutuman sa Metro Manila.

Ang Lingküd Bayanihan, isang  humanita­rian food at relief goods distribution campaign na pinangunahan ng Clean Air Philippines Movement Inc. (CAPMI), ay naglunsad ng caravan sa Hospicio de San Jose, isang homeless shelter sa Quiapo, Maynila, na nasundan pa ng ilang serye ng caravan sa iba pang bahagi ng Maynila, Quezon City at maging sa ibang dako ng Metro Manila upang tugunan ang kagutuman ng mas nangangaila­ngan dahil sa pagkawala ng kanilang hanapbuhay dulot ng mas mahigpit na modified enhanced community quarantine.

Kabilang sa nakiisa sa caravan ay ang Philippine Medical Association (PMA), Vegetable Importers Exporters Vendors Association (VIEVA), Confederate Sentinels of God (CSG), Beta Sigma Fraternity Me­dical Group, League of Data-privacy and Cybersecurity Advocates of the Philippines, PNP, lokal na pamahalaan at mga barangay.

Hiniling naman ni CAPMI president Atty. Leo O. Olarte, M.D. ang malawakang suporta sa kanilang malinis na hangarin na ma­bigyan ng makakain ang mga nag­darahop at nagugutom na mamamayan ng Metro Manila.

 

vuukle comment

BAYANIHAN CARAVAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with