COVID-19 cases sa labas ng Metro Manila tumaas
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng alarma ang OCTA Research Group sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang lungsod sa Visayas at Mindanao.
Tinukoy ni OCTA member Prof. Guido David ang mga lungsod ng Puerto Princesa, Cagayan de Oro, Zamboanga City at Bacolod na may pagtaas ng kaso.
“Based on history, nakikita natin na itong smaller LGUs (local government units), mas mabilis nila nako-control ang situation. ‘Di pa naman necessarily alarming ito,” ayon kay David.
Para sa Metro Manila, patuloy ang panawagan ni Guido na unti-untiin ang pagpapababa ng ‘quarantine restrictions’ habang patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 maging sa mga karatig lalawigan na Rizal, Batangas, Bulacan at Cavite.
Inaasahan ng grupo na mas mababa na sa 2,000 ang magiging arawang kaso ng COVID-19 sa NCR makaraang bumaba na ito sa 2,100 mula sa pinakamataas na 5,500.
Sa kasalukuyan, nasa 0.67 ang reproduction rate ng virus at may weekly growth rate na -27% sa Metro Manila.
“Maganda, habang nagde-deploy tayo ng vaccines, i-maintain natin ang trend na mababa ang cases para di tayo magkaroon ng surge,” dagdag ni David.
- Latest