^

Bansa

Moderna binigyan na ng EUA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Moderna binigyan na ng EUA
Ipinaliwanag ni FDA Director General Eric Domingo na mabilis ang pag-apruba sa EUA ng Moderna kumpara sa karaniwang 21 araw na proseso dahil kumpleto ang mga dokumento nito.
AFP/Joel Saget

MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) nitong Miyerkules ang emergency use authority (EUA) ng Moderna vaccine laban  sa COVID-19, 10 araw lang matapos itong mag-apply noong Abril 26.

Ipinaliwanag ni FDA Director General Eric Domingo na mabilis ang pag-apruba sa EUA ng Moderna kumpara sa karaniwang 21 araw na proseso dahil kumpleto ang mga dokumento nito.

Kadalasan umanong nahihirapan sa pag-apruba ang FDA kapag hindi pa nailalathala ang resulta sa mga pag-aaral sa bakuna o wala pa itong EUA mula sa ibang regulatory authority.

Tiniyak ng FDA na base sa mga pag-aaral, ligtas at mabisa ang 2 dose ng bakuna para sa mga may edad 18 pataas.

“The vaccine has an overall efficacy rate of over 94 percent in preventing COVID-19,” ani Domingo.

Ang napaulat aniya na adverse effects sa isina­gawang clinical trials at aktuwal na pagbabakuna ay karamihan mga mild  at pansamantala lang na kapareho lang sa inaasahan kapag nabakunahan.

Ang Moderna ang ika-7 COVID-19 vaccine na nabigyan ng EUA sa bansa kasunod ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac, Sputnik V, Janssen ng Johnson & Johnson at Bharat Biotech.

Aniya, may 46 pang bansa ang nagbigay ng EUA sa Moderna kabilang na ang emergency use listing (EUL)  na inisyu ng World Health Organization. 

vuukle comment

FDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with