^

Bansa

Online sabong, aprub na sa PAGCOR

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Online sabong, aprub na sa PAGCOR
Ayon kay Atty. Jose Tria Gr., SVP ng Offshore and Online Gaming ng PAGCOR, “bukod kasi sa hinahabol na income para sa pamahalaan, kailangan na hindi naman naloloko o nadadaya ang mga tumatangkilik ng sabong sa online kaya kailangan talagang bigyan na sila ng license”.
STAR/File

MANILA, Philippines — Dahil lubhang kaila­ngan ng pamahalaan ng pondo ngayong pandemya, inatasan ng Malacañang ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na bigyan na ng lisensya ang ilang online sabong sites para ma­ging legal na ang kanilang ope­rasyon.

Ayon kay Atty. Jose Tria Gr., SVP ng Offshore and Online Gaming ng PAGCOR, “bukod kasi sa hinahabol na income para sa pamahalaan, kailangan na hindi naman naloloko o nadadaya ang mga tumatangkilik ng sabong sa online kaya kailangan talagang bigyan na sila ng license”.

“Pag may license kasi, namomonitor namin ang kanilang operasyon, galaw, at income”, ani Tria.

Limang kumpanya na ang nag-apply ng lisensya ngunit dalawa pa lang ang nabigyan ng “license to operate”.

Tanging ang Lucky 8 Star Quest Inc. ng Pitmaster Live at Belvedere Corp. pa lang ang pinayagang magpalabas ng sabong online.

“The rest na wala pang license ay huhulihin ng mga otoridad dahil ito ay ilegal at minomonitor na ng Department of Information, Communication and Technology (DICT)”, dagdag pa ni Tria.

Ayon pa kay Tria, nakakalikom ang PAGCOR ng P100 million kada buwan sa bawat licensed online sabong company.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with