^

Bansa

UN giit makialam vs China ‘aggression’ sa WPS

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang grupo ng mga mangingisda sa United Nations (UN) na kumilos sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea (WPS).

Sa inihaing petition ng Pambansang Lakas ng Ki­lusang Mamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya), hiniling nila na ideklara ng UN ang batas ng China Coast Guard na null and void.

Gayundin ang demilitarization sa South China Sea at imbestigahan ang panghihimasok sa kabuhayan ng mga Filipino.

Iginiit ni Fernando Hicap, national chairperson ng Pamalakaya, na ang petition ay tumutugon lang sa arbitral ruling laban sa China, kabilang dito ang kaagad na pag-aalis ng Chinese personnel sa karagatang sakop ng Pilipinas, respetuhin ang karapatan ng mga ma­ngingisdang Pinoy at i-demilitarize ang lugar ng kanilang pangisdaan.

Samantala, hinikayat din ng grupong Oceana Philippines ang gobyerno na protektahan ang mga mangingisdang Filipino sa pamamagitan ng pagla­lagay ng mekanismo tulad ng trackers sa kanilang mga bangka.

Sinabi ng grupo na malinaw ang nakasaad sa fisheries law na kailangang mayroong tracking device para sa mga commercial fishing vessels, subalit kung patuloy umanong babale­walain ang kahalaga­han nito ay hindi mapipigilan ang iligal na pangingisda at harassment ng mga Tsino.

vuukle comment

UN

WPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with