Basic health protocols sa community pantry unahin - frontliners group
MANILA, Philippines — Dapat na unahin ng mga community pantry organizers ang pagpapatupad ng mga basic health protocols upang patuloy na makatulong sa mga nangangailangan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa virtual interview ng Lingkud Bayanihan, hinimok ni Alvin Constantino, Confederate Sentinels of God (CSG) Inc. founder, na bigyan prayoridad ng mga pantry organizers ang kalinisan upang hindi magkasakit pa ang nangangailangan ng tulong at maiwasan na kumalat ang virus.
Aniya, saludo siya sa mga community pantry organizer subalit kailangan din na maging responsable ang mga ito sa kalusugan ng publiko.
Sinabi naman ni Dr. Leo Olarte, Bayanihan Frontliners Movement lawyer-president, sisimulan na nila sa National Capital Region ang nationwide distribution ng mga pagkain at relief goods sa bahay-bahay katuwang ang DSWD kasabay ng libreng 24/7 online telemedicine service (www.docph.org) Lingkud Bayanihan caravan naman ang pinasimulan ni Dr. Benito Atienza, Philippine Medical Association president, sa Hospital de San Jose Orphanage sa Quiapo, Manila kung saan namigay ng mga pagkain at relief goods sa 450 mga bata at matatanda kaalinsunod ng online telemedicine services.
- Latest