Pinas posibleng mabigyan ng Moderna vaccines
MANILA, Philippines — Inaasahang makatatanggap na ng Moderna vaccines laban sa COVID-19 ang Pilipinas mula sa COVAX facility matapos na maisyuhan na ito ng emergency use listing (EUL) mula sa World Health Organization.
“Yes, that’s one of the conditions actually, that there’s this EUL from WHO,” ayon kay Health Usec. Ma. Rosario Vergeire.
Ang nasabing proseso ng WHO ay tumutulong sa mga bansa na hindi masuri o ma-assess ang pagiging epektibo ng bakuna at magkaroon ng mas mabilis na access at mapayagan sa COVAX vaccine sharing scheme at iba pang partners na maipamahagi ang bakuna sa mas mahihirap na bansa, partikular sa mga ’di pa lisensiyadong produkto na gamitin sa panahon ng public health emeregencies.
Kabilang sa naisyuhan ng WHO ng EUL ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca at Janssen Pharmaceutical.
- Latest