^

Bansa

Salon, barberya, dine-in buksan sa MECQ - DTI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Salon, barberya, dine-in buksan sa MECQ - DTI
Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, nagsumite na ng proposal si DTI Secretary Ramon Lopez sa IATF, na payagang makapagbukas na ang mga restaurants o dine-in kahit sa 10% capacity at ang personal care services sa 50% capacity.
Philstar.com/Era Christ R. Baylon

MANILA, Philippines — Nais ng Department of Trade and Industry (DTI) na ibalik na ang operasyon ng mga salon, barbershop at indoor dining sa National Capital Region (NCR) Plus sa patuloy na pagpapatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Sinabi ni Trade Undersecretary Ruth Castelo, nagsumite na ng proposal si DTI Secretary Ramon Lopez sa IATF, na payagang makapagbukas na ang mga restaurants o dine-in kahit sa 10% capacity at ang personal care services sa 50% capacity.

Ipinaliwanag ni Castelo kahapon na kung ma­aprubahan ang ka­nilang rekomendasyon, mabibigyan ng trabaho ang nasa 500,000 displaced workers.

“Kung matutuloy na maka-open sakaling i-approve ng IATF ‘yung personal care services and indoor dining, we will have 400,000 workers doon sa personal care and another 100,000 sa restaurants na madadagdag sa dine-in,” ani Castelo.

Paliwanag pa niya, ang mga barbershops at salon ay maaari rin naman mag­lagay ng outdoor spaces para sa bentilas­yon.

Nasa 1.5 milyong manggagawa ang nawalan ng hanapbuhay sa MM, Rizal, Cavite, Laguna, at Bulacan nang umiral ang ECQ noong Marso 29 hanggang Abril 12 at nitong Abril 12-30 na ipinatutupad ang MECQ ay nakabalik sa trabaho ang nasa 500,000.

Layunin nito, na kahit ang kalahati lang aniya ng 1 milyon ang muling makapagtrabaho.

Kamakalawa ng gabi nang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang MECQ sa NCR Plus hanggang Mayo 14.

vuukle comment

MECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with