^

Bansa

68% ng 'NCR Plus' ayuda pa lang ang naibibigay 1 buwan matapos ang 'ECQ 2'

James Relativo - Philstar.com
68% ng 'NCR Plus' ayuda pa lang ang naibibigay 1 buwan matapos ang 'ECQ 2'
Residents of Batasan Hills in Quezon City line up to receive their financial assistance from the government on the second day of distribution on April 8, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi pa rin makumple-kumpleto ang pamamahagi ng panibagong P1,000 ayuda sa mga mahihirap na benepisyaryong naapektuhan ng pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ), bagay na muling ipinatupad noong Marso dahil sa makasaysayang pagsipa ng COVID-19 cases.

Ito ang ibinahagi ni Interior Secretary Eduardo Año, Miyerkules ng gabi, habang inuulat ang iginugulong ng "supplementary amelioration program" ng gobyerno sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite — bagay na tinatawag ngayong NCR Plus.

Ika-29 ng Marso pa nang muling ipatupad ang pinakamahigpit na lockdown sa NCR Plus bubble sa ikalawang pagkakataon.

"Nakapagpamahagi na tayo sa 15,491,584 beneficiaires, equivalent to P15,533,806,600," ani Año.

"So a total po ito ng 67.60%. So mataas na po ang ating pag-disburse."

Narito ang breakdown ng itinatakbo ng pag-aayuda sa mga nasabing lugar:

Metro Manila

  • porsyento ng ayudang naipamahagi na (73.46%)
  • halagang naibigay na (P8.2 bilyon)
  • benepisyaryong nabigyan na (8.2 milyon)
  • benepisyaryo (halos 11.2 milyon)

Bulacan

  • porsyento ng ayudang naipamahagi na (61.13%)
  • halagang naibigay na (P1.81 bilyon)
  • benepisyaryong nabigyan na (1.81 milyon)
  • benepisyaryo (halos 3 milyon)

Cavite

  • porsyento ng ayudang naipamahagi na (53.24%)
  • halagang naibigay na (P1.83 bilyon)
  • benepisyaryong nabigyan na (1.83 milyon)
  • benepisyaryo (3.44 milyon)

Laguna

  • porsyento ng ayudang naipamahagi na (76.08%)
  • halagang naibigay na (halos P2.1 bilyon)
  • benepisyaryong nabigyan na (halos 2.1 milyon)
  • benepisyaryo (2.71 milyon)

Bulacan

  • porsyento ng ayudang naipamahagi na (61.63%)
  • halagang naibigay na (P1.61 bilyon)
  • benepisyaryong nabigyan na (1.61 milyon)
  • benepisyaryo (2.61 milyon)

Tinatayang nasa P1,000 kada tao, o hindi hihigit sa P4,000 kada pamilya, ang halaga ng ayudang ibibigay sa mga benepisyaryo sa NCR Plus area. Aabot sa P22.9 bilyon ang pondong kakailanganin dito.

Kawalan ng trabaho, pangangailangan ng ayuda

Matatandaang nasa 1.5 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho sa mga naturang lugar simula nang muling ipatupad ang ECQ, ayon sa huling datos ng Department of Trade and Industry (DTI). Ito ang dahilan kung bakit kinakailangan ngayon ng marami ang pinansyal na tulong.

Bumaba naman ang bilang ng unemployed sa NCR Plus patungong 1 milyon simula nang luwagan lockdowns sa MECQ.

Sa huling ulat ng Department of Health (DOH), umabot na sa 1,020,495 ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa. Sa bilang na 'yan, umabot na sa 17,031 ang patay.

vuukle comment

AYUDA

FINANCIAL AID

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with