^

Bansa

ACT-CIS nag-donate ng RT-PCR machine

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kasunod nang pagdo-donate ng high flow oxygen sa Benguet General Hospital noong nakaraang linggo, muling nag-turn over si Benguet Congressman Eric Yap, na siya ring kinatawan ng ACT-CIS Party-list, ng isa pang RT-PCR machine upang matugunan ang agarang pangangailangan ng pagamutan at masolusyunan ang kanilang backlogs sa COVID-19 testing.

Nabatid na ito na ang ikatlong machine na ipinagkaloob ng mambabatas simula nang mag-umpisa ang pandemya ng COVID-19 sa bansa noong nakaraang taon.

Una na siyang nagkaloob ng RT-PCR machine sa Baguio General Hospital dahil ang Molecular Laboratory sa Benguet ay isinasai­lalim pa sa konstruksiyon ng panahong iyon.

Ang ikalawang makina naman ay inilagay sa bagong tayong laboratoryo sa lalawigan, kasama ang isang Automated Extractor.

Ayon kay Yap, nagpapatupad sila ngayon ng agresibong testing upang mapalakas pa ang effort ng lalawigan na masugpo ang COVID-19.

Dagdag pa niya, hindi lamang ang Benguet ang magbebenepisyo rito kundi maging ang kanilang mga kalapit na lalawigan sa Northern Luzon.

vuukle comment

RT-PCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with