^

Bansa

Pinas naghain ng 2 panibagong diplomatic protest vs China

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang panibagong diplomatic protest pa ang inihain ng Pilipinas laban sa China dahil sa namataang 160 Chinese vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Sa ipinadalang diplomatic note ng Department of Foreign Affairs (DFA) na may petsang Abril 21, sinabi nila na direktang lumalabag sa soberenya at hurisdiksyon ang pananatili ng mga barko ng China.

Ang nasabing mga barko ay namataan sa Kalayaan Group of Island na nasa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas at sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc.

Bukod dito, nakita rin sa ilang karagatang sakop ng Pilipinas ang limang barko ng Chinese Coast Guard na may bow numbers na 3103, 3301, 3305, 5101, at 5203 na namataan sa palibot ng Pag-asa Island, Bajo de Masinloc at Ayungin Shoal.

Pinaalala rin ng DFA sa kanilang protesta sa China na ang mga nasabing isla ng Bajo de Masinloc, Pag-asa Islands, Panata, Parola, Kota Islands, Chigua at Burgos Reefs ay bahagi ng Pilipinas.

Ang panibagong diplomatic protests ay karagdagan lamang sa araw-araw na protestang inihahain ng DFA laban sa patuloy na presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef.

vuukle comment

EEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with