^

Bansa

Volunteers idinaan sa pagtulong sa kapwa ang pagdiriwang ng kaarawan ni VP Leni

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Idinaan ng mga volunteer at tagasuporta sa community feeding program ang pagdiriwang nila ng ika-56 kaarawan ni Vice President Leni Robredo kahapon.

Nagsagawa ang mga volunteer at tagasuporta ni Robredo ng community feeding program na tinawag nilang “National Lugaw Day” sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Batay sa mga ulat, nagsagawa ng community feeding program ang mga volunteer at tagasuporta ni Robredo sa mahigit 100 lugar sa bansa.

Paliwanag ni Jover Laurio, isa sa mga volunteer, idinaan nila sa feeding program ang pagdiriwang ng kaarawan ni Robredo para makatulong sa mga kababayan nating naapek­tuhan ng pandemya.

Unang nagsagawa ang grupo ni Laurio ng feeding program sa Maginhawa St. sa Quezon City kung saan daan-daang katao ang nakalinya sa Community Pantry bago nagtungo sa Liwasang Bonifacio sa Maynila.

Maliban dito, may fee­ding program din sa iba’t ibang lugar sa Quezon City, Caloocan, Las Pinas, Maynila, Muntinlupa, Malabon, Pasay, Valenzuela, Taguig, Parañaque, Makati at Navotas.

Kasabay nito ang katulad na feeding program sa Iloilo, Lapu-Lapu City, Guimaras, Maguindanao, Bulacan, Masbate City, Naga, Albay, Calbayog,  Gumaca, Isabela, Batangas, Catbalogan, Rizal, Cavite, at Laguna.

May feeding program din sa Tarlac, Cagayan de Oro, Pampanga, Camarines Sur, Bataan, Marawi, Antique, Zambales, Laguna, Aklan, Baguio, Basilan, Negros, Antipolo, Lucena, Cadiz City, at Antique.

Tiniyak naman ng mga volunteer na nasunod ang minimum public health protocols sa feeding program upang matiyak ang kaligtasan ng mga nabigyan ng tulong.

vuukle comment

ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with