Ginamit na face masks, face shields itapon ng maayos – Malacañang
MANILA, Philippines — Malacañang na mismo ang nagpaalala sa publiko na itapon ng tama ang mga nagamit na face mask at face shields bilang tulong na rin sa pa-ngangalaga sa kalikasan.
Kabilang ang Pilipinas sa nakiisa kahapon sa pagdiriwang ng Earth Day.
Mahalaga aniya ang pagdiriwang ng Earth Day dahil ipinapaalala sa mga tao na dapat alagaan ang kalikasan.
“Sa panahon ng pandemya, makakatulong ang lahat kahit sa munting paraan tulad ng pagtatapon nang wasto ng pinaggamitan na face mask at face shields,” ani Roque.
Giit din ni Roque na dapat ituro rin sa mga bata ang tamang pagtatapon ng mga nagamit na face mask at face shield.
Sinabi ni Roque na ang Pilipinas ang isa sa mga bansa na pinaka-apektado ng climate change.
- Latest