^

Bansa

QC gov't sa NTF-ELCAC: 'Communist propaganda' ang pantries? Christian duty tumulong

James Relativo - Philstar.com
QC gov't sa NTF-ELCAC: 'Communist propaganda' ang pantries? Christian duty tumulong
Nakapila ang mga residenteng ito para makakuha ng libreng pagkain at mga supplies sa Maginhawa community pantry sa Lungsod ng Quezon, bagay na kabubukas lang uli matapos i-redtag ng ilang ahensya ng gobyerno, ika-21 ng Miyerkules, 2021
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nabatikos ng alkalde ng Lungsod ng Quezon ang pag-uugnay sa mga rebeldeng komunista ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa community pantries, bagay na namamahagi ng libreng pagkain sa mga gutom sa gitna ng pagbabalik ng COVID-19 lockdowns.

Sa panayam ng ANC, Miyerkules, takang-taka si Quezon City Mayor Joy Belmonte kung bakit ipinipilit ni NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy na "modus operandi" ng CPP-NPA-NDF ang community pantries para "magkalat ng kasinungalingan" sa gobyerno.

"[A]ng layo naman ng [itinalon ng usapan], from helping your fellow man doing Christian duty... taught to us by the Church [or] whatever religion we belong to, doon sa overthrowing the government. Ang layo niya," ani Belmonte kanina.

"And in fact, nagugulat ako na meron silang ganitong statement kasi the ELCAC has been working with the local government and the barangays."

Totoong maraming aktibistang nagpapatakbo ng community pantries sa buong Pilipinas, pero walang matatagpuang baril at NPA sa mga nasabing erya — gulay, meron. Minsan may polyeto't placards na bumabatikos sa "bagal ng lockdown ayuda ng gobyerno" pero ligal lahat 'yan sa batas.

Una nang sinabi ni Belmonte na titiyakin niyang ligtas ang mga organizer at benepisyaryo ng ipinamamahaging libreng pagkain sa mga pantries. 

Matatandaang inireklamo ni Ana Patricia Non, ang nagpasimula ng inisiyatiba, na kinukuha ng ilang pulis ang kanyang mga personal na impormasyon, maliban sa ikinakabit ng QCPD at NTF-ELCAC ang iba't ibang pantry branches sa CPP-NPA. Dahil dito, napilitan silang magsarado kahapon.

'Modus operandi' ng komunista?

Sa pahayag ni Badoy kahapon, sinabi niyang natutuwa siya sa diwa ng Bayanihan ngayong pandemya, pero sana'y huwag daw "lokohin" ng CPP-NPA-NDF ang taumbayan sa diumano'y pagkakasangkapan dito.

"Tigilan nyo ang modus operandi nyo na nakadikit sa framework at doktrina ng CPP-NPA-NDF nang pag-package ng communist propaganda bilang serbisyo sa taongbayan at ang pagdugtong dito ng kasinungalingan na walang ginagawa at inutil ang gobyerno," ani Badoy, na kilalang nagpapakalat ng fake news noon.

"Ang tutoong diwa ng BAYANIHAN ay ang pagkakapit-bisig ng mga mamamayan sa ating pamahalaan na gawa ng mga lingkod bayan na wala na yatang pahinga mula nung nagsimula ang pandemya na ito."

READ l While it welcomes the public-initiated pantries in several areas across the country, the NTF ELCAC laments that...

Posted by National Task Force to End Local Communist Armed Conflict on Tuesday, April 20, 2021

Una nang sinabi ni Interior Undersecretary Jonathan Malaya na pwede namang magtayo ng community pantries ang mga left-wing groups.  Wala rin daw problema kung maglagay sila ng mga islogan, dahil protektado naman daw ito ng malayang pamamahayag.

"Whatever they say during those community pantries, if they put on signs, are part of protected speech. We are a democratic society and people can say whatever they want," ani Malaya kahapon sa hiwalay na panayam ng ANC.

"However, we in the DILG (Department of the Interior and Local Government) would rather that people do not include politics in the community pantry." 

Resolusyon vs red-tagging

Ngayong araw lang nang ihain ng Makabayan bloc ang House Resolution 1723 sa Kamara na naglalayong makapagsimula ng imbestigasyon sa red-tasgging na ginagawa sa mga community pantries.

Isa lamang ito sa mahigit isang dosenang resolusyon at priviledge speeches na ipinasa sa Kamara at pending pa rin sa sari-saring komite ng lehislatura.

"The organizers and volunteers who initiate the delivery of aid to the less privileged, do not deserve to be subjected to harassment and baseless accusations from the government itself that failed to deliver such services to the Filipino people," ayon sa anim na militanteng mambabatas sa dokumento. — may mga ulat mula kay Xave Gregorio

--

Disclosure: Si Quezon City Mayor Joy Belmonte ay shareholder ng Philstar Global Corp., na nagpapatakbo ng digital news outlet Pilipino Star Ngayon. Ang artikulong ito ay nilathala batay sa editorial guidelines.

vuukle comment

ACTIVISM

COMMUNITY PANTRY

JOY BELMONTE

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

NTF-ELCAC

QUEZON CITY

RED-TAGGING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with