^

Bansa

Patay, menor de edad, Pinoy na nasa abroad nasa listahan ng ECQ ayuda

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ultimo mga patay na, menor de edad at maging ang mga Pinoy na naka-tira na sa ibang bansa ay kabilang pa sa sablay na listahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa P22.9 bilyong cash aid para sa mga naapektuhan ng 2 linggong ECQ sa NCR Plus.

Ibinunyag kahapon ni Puwersa ng Bayaning Atleta Partylist Rep. Jericho Nograles na, sa Brgy. 44 Pasay City, may isang taong patay na noon pang Agosto 2020, isang menor de edad at isang dating kasambahay na kabilang sa cash aid recipients ng DSWD.

Sa Cainta, Rizal, isang tao na nagtratrabaho na sa Qatar ay nakalista pa rin bilang recipient ng cash aid. Ang NCR plus bubble areas ay kinabibilangan din ng Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.

Sabi ni Nograles, sample pa lamang ito sa libu-libong hindi kuwali-pikadong benepisyaryo na nakatala sa amelioration cash aid ng DSWD.

Sinabi ni Nograles sa DSWD at Department of Interior and Local Govern­ment (DILG) na imbestigahan ang nasabing irre­gularidad dahil bawat sentimo sa P22.9 bilyong amelioration fund ay dapat ma-account na mabuti para sa mga taong nanga­ngailangan at kung sino man ang umabuso rito ay parusahan at dapat kasuhan sa Ombudsman.

 

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with