^

Bansa

Reso vs EO 128 ni Duterte sa taripa ng imported pork itinulak sa Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Reso vs EO 128 ni Duterte sa taripa ng imported pork itinulak sa Senado
nihain ni Senate Minority leader Franklin Drilon ang resolution kasama ang 15 iba pang senador kung saan hinihikayat nila ang Pangulo na bawiin ang executive order (EO) 128 na nagpababa sa taripa ng baboy mula 30%-40% tungo sa 5%-15% lamang.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isinulong na sa Senado ang resolusyon na humihikayat kay Pangulong Duterte na bawiin ang utos na ibaba ang taripa sa importasyon ng karneng baboy at ang rekomendasyon na dagdagan ang importasyon nito.

Inihain ni Senate Minority leader Franklin Drilon ang resolution kasama ang 15 iba pang senador kung saan hinihikayat nila ang Pangulo na bawiin ang executive order (EO) 128 na nagpababa sa taripa ng baboy mula 30%-40% tungo sa 5%-15% lamang.

Ito ay dahil hindi umano nakapagpakita ang Department of Agriculture (DA) ng sapat na katwiran para ito gawin at mawawalan din umano ng kita ang gobyerno at hindi garantiya na bababa ang presyo ng karneng baboy.

Hiniling din ng mga Senador na bawiin ang rekomendasyon ng pangulo na itaas sa 4,400 metric tons ang minimum access volume (MAV) mula sa 54,000 metric tons dahil hindi rin napatunayan ng DA na kakapusin ang supply ng karne.

Kasama ni Drilon na naghain ng resolusyon sina Senators Nancy Binay, Pia Cayetano, Risa Hontiveros, Lito Lapid, Ping Lacson, Imee Marcos, Manny Pacquiao, Grace Poe, Joel Villanueva, Migz Zubiri, Cynthia Villar, Sonny Anga­ra at Richard Gordon.

Ini-adopt na rin ang resolusyon ng Senado kahapon at iginiit ni Drilon na kapag hindi inaksyunan ng pangulo ang kanilang resolusyon ay isusulong nila sa pagbabalik ng sesyon ang pagpapawalang bisa sa EO 128.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with