^

Bansa

Bong Go, pinuri ang pagsasama sa media workers sa vaccination priority list

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuri at pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang naging hakbang ng national government na ibilang ang media workers sa essential sectors na prayoridad sa COVID-19 vaccination.

“Nagpapasalamat po tayo sa national government dahil dininig nila ang ating apela na isama ang mga miyembro ng media sa priority list para sa bakuna laban sa COVID-19,” ayon kay Go.

Isasapinal ng Inter-Agency Task Force on Emer-ging Infectious Diseases (IATF-EID) ang guidelines at ipormalisa ang pagsasama nito sa media workers, partikular ang mga nasa news outlets, sa A4 group sa nakatakda nitong pagpupulong.

“Ang media ay napakaimportanteng sektor at maituturing ding essential workers dahil sa tungkulin na kanilang ginagampanan. Sila ang nagdadala ng balita at kasangga natin sila sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko,” ang paliwanag ni Go.

“Sa araw-araw nilang coverage, palagi silang exposed sa banta ng COVID-19. Kaya dapat lang na maproteksyunan agad sila ng bakuna,” idinagdag niya.

Sinabi ni Testing czar Secretary Vince Dizon nitong April 13, na ang mga miyembro ng media ay ibibilang na sa A4 group ng government vaccine priority list, kahanay ang frontline personnel sa essential sectors.

Ayon sa National Economic and Development Authority, kabilang sa A4 classification ang mga manggagawang may “high levels of interaction with or exposure to the public” at economic sectors na kailangan ng “security, consumers and worker safety.”

Bago pa man masimulan ang vaccine rollout, nauna nang iniapela ni Go sa pamahalaan na isama ang mga kasapi ng media sa COVID-19 priority list pero hindi dapat maapektuhan ang mga sektor na natukoy nang prayoridad, gaya ng frontliners, senior citizens at vulnerable sectors.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with