Bong Go, pinuri si PRRD sa pagpapasigla ng negosyo, pamumuhunan sa bansa
MANILA, Philippines — Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsertipika bilang “urgent” ng tatlong panukalang batas na layong pasiglahin ang mga negosyo at pamumuhunan sa bansa.
Sa gitna ng pandemya, iginiit ni Go sa pamahalaan na iprayoridad ang pagpapatupad ng investment plan na titiyak sa matatag na distribusyon ng yaman at magpapaangat ng socio-economic development sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa pamamagitan ng ganitong approach aniya, matutulungan ang mga komunidad na makarekober sa epekto ng COVID-19 pandemic at makapagbibigay ng economic opportunities sa mga nais makapagsimula ng bagong buhay sa mga lalawigan.
“Iba po ang panahon ngayon, kailangang tulungan at mas maeng-ganyo ang mga investors na gustong pumasok dito sa atin. ‘Pag maraming investors, mas maraming trabaho,” sabi ni Go.
“Siguraduhin rin na-ting makabenepisyo dito ang mga kababayan natin sa malalayong komunidad. Marami na pong gustong umuwi sa kanilang probinsya kaya gawan natin ng paraan na may kabuhayan silang uuwian doon,” dagdag ng senador.
Si Go ang panguna-hing nagplano ng Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program na layong i-decongest ang Metro Manila pero dapat ay palakasin ang socio-economic development sa mga lalawigan.
- Latest