^

Bansa

NTC pasaklolo na sa SC vs P2.5 bilyong penalty ng telco

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan kahapon ang Infrawatch PH sa National Telecommunications Commission na magsam-pa ng Motion for Early Re-solution sa Supreme Court para pinal na maresolba ang apela ng isang telecom company na humihirit ng rekonsiderasyon sa desis­yon ng Court of Appeals noong 2009 na kumakatig sa letter-assessment ng NTC para pagbayarin ng P126,094,195.67 supervision and regulation fees at P9,674,190 spectrum user fees ang Next Mobile Inc. na ngayo’y gumagamit ng pangalang NOW Telecom Company, Inc.

Idiniin ni Terry Ridon, Infrawatch PH convenor at dating House legislative franchises committee member, na ngayong tumitindi ang coronavirus crisis, lahat ng kontribusyon ng bawat ahensya sa pondo ng bayan ay isang pangunahing obligasyon.

Kung mareresolba aniya ang apela ng NOW ay makakatanggap ang gobyerno ng karagdagang P2.566 billion na bagong pondo na magagamit laban sa pandemya.

Ang halagang ito umano ay sapat na para mabigyan ng subsidiya ang may 641,500 households kaya hindi dapat maliitin ang kahalagahan ng inisyatibang ito.

Ayon pa kay Ridon, binanggit ng Commission on Audit (COA) sa 2019 annual report nito ang isyu tungkol sa ipinoprotestang receivables ng NTC na umaabot sa P3.304-billion kung saan tanging apat na kaso ang nasasaklaw ng P3.216 billion o 97.3-porsiyento ng kabuuang halaga.

“Bawat piso na puwedeng maibahagi ng bawat ahensya sa laban ng pamahalaan sa coronavirus ay napakahalaga. Kung makokolekta ang natitirang P650 milyon, ang halagang ito ay magbibigay sa gobyerno ng pondo para sa 162,500 pamilya,” ayon pa kay Ridon.

vuukle comment

NTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with