^

Bansa

2 pang empleyado ng Kamara patay sa COVID-19

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa pang emple­yado ng Kamara ang namatay  matapos na magpositibo sa COVID-19.

Ayon kay House Secretary General Mark Llandro Mendoza, isa rito ay isang lalaking empleyado na namatay noong nakalipas na linggo.

Pinakahuli ay isang babaeng empleyado na binawian naman ng buhay kamakalawa matapos ang dalawang linggong pa-kikipaglaban sa COVID.

Sa kasalukuyan, ayon pa kay Mendoza ay patuloy pa rin ang pagpapatupad ng paghihigpit saka limitasyon sa mga empleyado at maging sa mga mambabatas upang maiwasan na tumaas pa ang kaso ng COVID-19.

Sa ibinabang memo­randum ni Mendoza, mananatili pa rin ang 2-3 days skeletal workforce sa ilang tanggapan mula Abril 12-28.

Inaasahang sa Mayo 3 pa magbabalik ang regu­lar na working ope-rations sa Batasan Complex.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with