^

Bansa

PhilHealth payments pinabibilisan ni Bong Go

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinabibilisan ni Senador Bong Go sa pamunuan ng PhilHealth ang pagbabayad ng obligasyon nito sa Phil. Red Cross at sa mga pagamutan para hindi maapektuhan ang pagkakaloob ng healthcare services sa mamamayan.

Muli itong giniit ni Go nang kausapin si PhilHealth Chair Dante Gierran nang puntahan ng mga ito ang Department of Health-Quezon Institute Off-Site Modular Hospital sa  Quezon City.

“Nagkaroon ako ng pagkakataon makausap si Atty. Gierran. Sinabi ko na bilisan na ang pagbayad sa mga valid claims ng mga private and government hospitals para mabilis na makaikot ang kanilang cash flow at makadagdag sila ng mga hospital beds for COVID-19 patients,” pahayag ni Go.

Sinabi pa ng senador na kung bibilisan ang pagbabayad sa Red Cross ay malaking tulong ito sa COVID-19 testing at iba pang serbisyo sa mamamayan.

Anya, kinausap na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gierran para sa mas mabilis na proseso at mabayaran ang dapat bayaran.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with