^

Bansa

Duterte nag-jogging, nag-motor sa Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos mag-tren-ding ang #NasaanAng Pangulo, nag-jogging si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang para ipakita sa taong ba-yan na maayos ang lagay ng kanyang kalusugan.

Sa Facebook post ni Senador Bong Go, makikita sa video na tumatakbo ang Pangulo sa Malacañang Park. Nakasuot ang Pangulo ng face mask at face shield.

Makikita rin ang Pa-ngulo na sumakay pa ng motorsiklo.

Nanawagan si Go sa publiko na suportahan ang Pangulo na malungkot at mahirap ang maging Pangulo ng bansa lalo na sa panahon ng pandemya sa COVID-19.

“Mga kababayan ko, malungkot at mahirap ang maging Pangulo sa panahong ito. Suportahan natin si Tatay Digong, ang taong totoong nagmamahal sa ating kapwa Filipino,” pahayag ng post ni Go.

Matatandaang hina-hanap ng taong bayan ang Pangulo, matapos makansela ang nakatakdang “Talk to the People” noong Lunes at Miyerkules.

Pero ayon kay Go, wa­lang dapat na ipag-alala ang taong bayan dahil malakas at maayos ang lagay ng kalusugan ng Pangulo. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with