^

Bansa

Paghabol ng barko ng China sa Bangka ng Pinas iniimbestigahan na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng gobyerno ang napaulat na paghabol ng isang barko ng China sa isang bangka kung saan lulan ang ilang mangingisda at news crew ng ABS-CBN sa West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kung totoo ang ulat, idudulog nila ang usapin sa China.

Nagpapasalamat din ang departamento na ligtas ang crew ng Filipino vessel.

Hinikayat naman ng DFA ang publiko na magkaroon muna ng koordinasyon sa mga awtoridad ng Pilipinas bago bumisita sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

Ipinaubaya na ng Malacañang kamakalawa sa DFA at sa Department of National Defense ang pagbibigay ng komento hinggil sa isyu.

vuukle comment

ABS-CBN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with