^

Bansa

Kooperasyon ng medical experts, health advocates vs COVID-19, giit ni Bong Go

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si Senador Bong Go sa medical experts at health advocates ng kooperasyon at pakikipagtulungan sa pamahalaan para mapa-lakas ang kampanya laban sa COVID-19.

“To our officials, let us be more open to suggestions from various stakeholders. We cannot overcome this pandemic alone. Kaya nga bayanihan ang sinisigaw natin simula pa lang,” paalala ni Go. 

Anya, maraming sektor ang handang tumulong at dapat bigyan ng opurtunidad na makatulong  sa bayanihan efforts ng pamahalaan.

“Since day one, open talaga ang IATF at ma-ging si Pangulong Rodrigo Duterte sa mungkahi ng different sectors. In fact, pinapatawag nga ni Pangulo ang mga health experts natin tuwing mayroon siyang dinedesisyunan. Sabi nga ni Pangulong Duterte, kung makakatulong naman ay welcome ito para sa kanya. Siguraduhin muna natin na safe ito dahil buhay ng bawat Pilipino ang nakataya,” sabi ni Go.

Dapat anyang ma-ging bukas ang isipin ng bawat isa sa suhestyon mula sa pribadong sektor at mga health advocates dahil ang laban anya sa COVID-19 ay hindi lang laban ng gobyerno kundi laban ng buong sambayanan at ng buong mundo. 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with