^

Bansa

Science for Change Act, ibabalik ang Pinas na sentro ng R&D sa ASEAN

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang bumibilis ang pagsulong ng teknolohiya sa mundo, tiniyak ni Albay Rep. Joey Salceda na maibabalik ang Pilipinas ng ‘Science for Change Act’ bilang ‘research and development (R&D) hub in science and technology’ o sentro ng pananaliksik sa agham at teknolohiya sa ASEAN region.

Ayon kay Salceda, may-akda ng panukala na inaprub kamakailan ng Kamara, nais niyang ma-nguna ang Pilipinas bilang sentro ng R&D gaya ng dati, kung kailan itinutu-ring ito ng mga ahensiya sa pananaliksik gaya ng IRRI (International Rice Research Institute), Texas Instruments at iba pa, na dapat nilang kalagyan sa rehiyon ng ASEAN.

“Ang isang problema ay matagal nating hindi binigyan ng sapat na atensiyon at suportang pondo ang ‘Science and Technology (S&T) o agham at teknolohiya,” sabi niya.

Sa loob ng ASEAN, In­donesia lamang ang nag­lalaan ng higit na maliit  na bahagi ng kanilang GDP sa R&D, puna ni Salceda.

Ang Pilipinas ay naglalaan lamang ng 0.16% ng GDP nito sa R&D. Halos tatlong beses o 0.44% naman ang Vietnam, habang ang Singapore na nangunguna sa kanila ay 2% ang inilaan dito. Ipinaliwanag ni Salceda na may kaugnayan ang pagsulong ng isang bansa sa ginagasta nito sa R&D, dahil “ang talino at kaalaman ay sadyang malaki ang bahagi sa pundasyon at pagsulong ng yaman ng mga bansa.”

Kung lagi anya tayong huli sa pamumuhunan sa agham, mananatili tayong kulelat. 

Naghihintay ngayon ng aksiyon ang ‘Science for Change bill’ sa Committee on Appropriations ng Kamara.

vuukle comment

ASEAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with