^

Bansa

Inflation rate bumaba sa 4.5% noong Marso – PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang inflation rate o ang pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong Marso dahil bumagal ang pagkilos ng presyo ng mga food commodities.

Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang inflation ay umabot sa 4.5% noong Marso, bahagyang ma­baba sa 4.7% inflation rate noong Pebrero. Mas mataas naman ito sa 2.5% rate noong  March 2020.

“Ang pangunahing   dahilan ng pagbaba ng antas ng inflation nitong Marso 2021 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Bevera-ges,” ayon kay Mapa.

Anya, ang heavy-weighted Food at Non-Alco­holic Beverages index ang naging ugat ng 91.6% pagbaba sa presyo ng pagkain at serbisyo noong Marso.

Ang nagpababa anya ng inflation sa food commodities ay ang bahagyang pagbaba ng galaw sa presyo ng gulay, prutas at isda. 

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with