^

Bansa

Pagpasok sa Region 6 kasama ang Boracay, lilimitahan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang kahilingan ng Western Visayas na malimitahan ang mga pumapasok sa kanilang lugar kabilang ang mga bumibisita sa Boracay.

Inanunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque na simula sa Abril 10, 2021 hindi na muna papapasukin sa Region 6 ang mga biyahero mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City at Davao City.

Matatandaan na pinalawig ng isang linggo ang enhanced community quarantine sa NCR Plus hanggang Abril 11 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Samantala, inihayag din ni Roque na inaprubahan ng IATF ang pagbili ng 500,000 antigen test kits para mapaigting ang testing sa NCR Plus kasama ang Batangas at Pampanga.

vuukle comment

INTER-AGENCY TASK FORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with