^

Bansa

Pagkain, gamot kaloob ni Bong Go sa mahihirap na pamilya at mga nasunugan sa Bulacan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkaloob si Senador Bong Go ng pagkain, medical at financial assistance sa mahihirap na pamilya at mga nasunugan sa Malolos City, Bulacan nang bisitahin ang lugar kasama ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development Provincial Extension Office sa Malolos City.

Sa pamamahagi ng ayuda ay tumatalima naman ang mga ito sa pagsunod sa matinding health protocols para maiwasan ang paglaganap ng Covid-19.

“Alam niyo, napaka­hirap ng buhay natin ngayon. Ganon pa man, ‘wag sana kayong mag-alala, mga kababayan. Kami ni Presidente (Rodrigo) Duterte, sa abot ng aming makakaya, ay tutulong kami sa inyo. Ang importante ay buhay tayo. Magtulungan tayo at malalampasan rin natin itong krisis na ating kinakaharap,” sabi ni Go.

Mayroon ding benepisyaryo dito ang tumanggap ng pares ng sapatos, bisikleta na gagamitin sa pagpunta sa trabaho, tablet sa mga mag-aaral na hirap makabili ng gamit sa online learning.

“Mga kabataan, mag-aral kayo nang mabuti dahil kayo ang kinabukasan ng bayang ito. Magtapos kayo ng pag-aaral dahil ‘yan ay konswelo sa inyong mga magulang na halos nagpapakamatay sa trabaho,” dagdag ni Go. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with