^

Bansa

Contact tracing czar Magalong nagpositibo sa COVID-19

Raymund Catindig, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Contact tracing czar Magalong nagpositibo sa COVID-19
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, dakong alas 4:30 niya natanggap ang resulta ng kanyang RT-PCR Test at agad nitong pinayuhan ang mga nakadaupang palad niya nitong mga nakaraang araw na mag- self-isolate at pakiramdaman ang sarili sa anumang sintomas.
The STAR/Geremy Pintolo, file

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 si Baguio City Mayor Benjamin Magalong noong Biyernes Santo.

Sa kanyang pahayag sa social media, inilara­wan ng Mayor ang pangyayari bilang matinding dagok sa kanya at kanyang pamilya.

Aniya, hindi dapat ba-l­e­walain ang kasaluku-yang namamayagpag na pandemya dahil dulot nito ay hindi lamang kahirapan sa pangangatawan at kalusugan kundi hirap na rin sa pag-iisip o katayuang psychological at pinansiyal ng sinumang tatamaan ng virus.

Ayon kay Magalong, dakong alas 4:30 niya natanggap ang resulta ng kanyang RT-PCR Test at agad nitong pinayuhan ang mga nakadaupang palad niya nitong mga nakaraang araw na mag- self-isolate at pakiramdaman ang sarili sa anumang sintomas.

Kabilang sa mga dinaluhang aktibidad ng Alkalde ay ang programa sa pagtatapos ng Montañosa Film Festival sa Baguio Convention Center noong Lunes at pagtanggap ng isang milyong pisong donasyon ng grupo ni Angel Locsin at iba pang artista para sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Dumalo sa pagbigay ng donasyon kay Maga­long noong Marso 24 ay isang kinatawan ni Locsin.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with