^

Bansa

Binagyo ni Auring sa Surigao del Norte, tumanggap ng ayuda kay Bong Go

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumanggap ng ayuda mula kay Senador Bong Go ang mga binagyo ni Auring sa Surigao del Norte.

Mayroong halos 2,000 residente ng Gigaquit at Tubod na naapektuhan ng pagbaha dulot ng bagyong Auring ang binigyan ng relief items ng outreach team ng Senador sa covered courts ng Barangay Ladgaron, Claver at Barangay Central, Placer.

Bukod sa pagkain, binigyan din ang mga residente doon ng medicine packs, medical-grade masks, at face shields habang sinusunod ang  health protocols.

Ilang benepisyaryo ang nabigyan ng sapatos habang ang iba ay binigyan ng bisikleta para magamit sa papgpunta sa trabaho at pagtungo sa ibang lugar at ilang benepisyaryo ay nabigyan ng computer tablets para sa kanilang anak na magagamit sa kanilang blended learning activities.

Nakiisa din ang ibat ibang ahensiya sa iba’t ibang aktibidad na bahagi ng pagsuporta sa ‘build back better’ program sa mga komunidad na sinalanta ng kalamidad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with