^

Bansa

'Highest ever uli': Bagong COVID-19 cases sa Pilipinas sumipa ng 15,310 ngayong araw

Philstar.com
'Highest ever uli': Bagong COVID-19 cases sa Pilipinas sumipa ng 15,310 ngayong araw
Catholic faithfuls pray at the premise of Our Lady of the Abandoned in Marikina City on Maundy Thursday, April 1, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health ng 15,310 bagong infection ng coronavirus disease ngayong Biyernes, kung kaya nasa 771,497 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • lahat ng kaso: 771,497
  • nagpapagaling pa: 153,809, o 19.9% ng total infections
  • bagong recover: 434, dahilan para maging 604,388 na lahat ng gumagaling 
  • kamamatay lang: 17, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 13,320

Anong bago ngayong araw?

  • Ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng bagong hawa ng COVID-19 na naitala sa kasaysayan ng Pilipinas sa bilang na 15,310. Nahigitan na nito ang record naiplasta nitong Lunes (10,016).  "However, with this, around 3.7K cases that were supposed to be reported last Mar 31 will just be reported today as part of the total cases," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Gayunpaman, kapag inawas ang backlogs ng reported COVID-19 cases, 11,601 pa rin itong bagong kaso — mas mataas sa 10,016 na single-day record-high noong ika-29 ng Marso, 2021.

  • Bukod diyan, record-breaking uli ang aktibong kaso ng COVID-19 simula nang mapasok ng virus ang Pilipinas noong 2020. Pumalo na kasi ito sa 153,809, bagay na mas mataas din sa bilang ng nagpapagaling pa nitong Huwebes.

  • Hinuli naman ngayong Biyernes Santo ng Manila Police District (MPD) ang mga mananampalatayang nagpunta pa rin sa paligid ng Quiapo Church kahit ipinagbabawal  sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). Gayunpaman, pinauwi rin sila matapos pagsabihan at kunin ang pagkikilanlan, ayon sa state-owned media na PTV.

  • Sa kabila ng mga batikos dahil sa panibagong mahihigpit na lockdown sa "NCR Plus bubble," sinabi naman ni Sen. Sherwin Gatchalian na hindi nag-iisa ang Pilipinas: "We're not alone... France going into a nationwide lockdown for 1 month despite their huge investment in health and vaccination," sambit ng kamyang tweet kanina.

  • Sa isang pahayag na ipinaskil ngayong araw, nananawagan ang Filipino Nurses United na mag-hire ang gobyerno ng mga dagdag na mga nurse, medical frontliners habang tumitindi ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilpinas. Bukod diyan, panawagan din nila na mabigyan ng tamang bayad at benepisyo ang mga manggagawang pangkalusugan: "FNU reiterates its call for adequate protection, just compensation and benefits for nurses, doctors and other health workers especially when they get sick in line of duty," ayon sa grupo.

  • Umaabot na sa halos 128.54 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo, ayon sa huling ulat ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, lagpas 2.8 milyon na ang patay. 

— James Relativo at may mga ulat mula kay Xave Gregorio

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with