^

Bansa

Duterte nanawagang 'magbalik loob sa Diyos' ngayong Mahal na Araw

James Relativo - Philstar.com
Duterte nanawagang 'magbalik loob sa Diyos' ngayong Mahal na Araw
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nagdarasal sa San Agustin Church sa Intramuros, Maynila, ika-16 ng Setyembre, 2017
King Rodriguez/PPD, File

MANILA, Philippines — Nakikiisa ang Malacañang sa mga Pilipinong Kristiyano sa patuloy na paggunita ng mga mananampalataya ngayong Mahal na Araw, na siyang naaantala ang mga aktibidad sa patuloy na pananalasa ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Kasalukuyang ipinagbabawal ang lahat ng religious gatherings sa Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan dahil na rin sa ipinatutupad na pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) para apulahin ang bagong pagsipa sa COVID-19 cases.

"As we take a moment to reflect on on the message of Lent, may we find a renewed sense of compassion that is rooted in the ultimate sacrifice of Christ at the cross," wika ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pahayag na inilabas nitong Huwebes ngunit pinetsahang ika-28 ng Marso.

"Let this example of a pure act of love renew our faith as we overcome the current COVID-19 pandemic."

Aniya, ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesu Kristo ay nagbibigay ngayon ng kinakailangang inspirasyon sa lahat para "mabuhay nang makabuluhan" sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaraanan ng mga Pilipino sa ngayon.

Hinihimok ngayon ni Duterte ang lahat na maging "tulay ng kapayapaan at pagbibigayan" lalo na sa mga hirap na hirap.

"I join all Filipino Christians here in the Philippines and around the world in the solemn observance of Holy Week... Together, let us continue pursuing a more inclusive and human society anchored on solidarity and genuine concern for each other," kanyang panapos.

Duterte vs relihiyoso, Simbahang Katoliko

Sinabi niya ang lahat ng ito halos tatlong taon matapos niyang tawaging "estupido" ang Panginoon noong 2018.

Disyembre 2016 din nang himukin ni Digong ang mga Pilipino na "huwag maniwala" sa mga Katolikong pari at umanib na lang sa kanyang "Iglesia ni Duterte" — kung saan hindi raw pagbabawalan na mag-asawa ng lima ang mga lalaki.

Mahaba na ang kasaysayan ng pagbanat ni Duterte sa Simbahang Katolika, lalong-lalo na sa pakikisangkot ng huli sa krusada laban sa paglabag sa karapatang pantao at extrajudicial killings na nangyayari sa ilalim ng rehimen.

Ngayong Marso lang matapos ang pangunahan ng Department of Justice ang imbestigasyon laban sa "Bloody Sunday" killings na ikinamatay na siyam na aktibista sa Timog Katagalugan, ilang araw matapos sabihin ni Duterte na "patayin ang lahat ng komunista."

Sinundan pa ito ng pamamaril hanggang pagkamatay sa vice chairperson ng PAMANTIK-Kilusang Mayo Uno na si Dandy Miguel sa Calamba, Laguna nitong ika-28 ng Marso.

vuukle comment

CATHOLIC CHURCH

HOLY WEEK

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with