^

Bansa

Contact tracing vs COVID sumablay – Magalong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sumablay ang contact tracing ng mga Local Government Units (LGUs) kaya tumaas ang kaso ng COVID-19.

Inamin kahapon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong, contact tracing czar sa pagdinig ng House Committee on Health ni 4th District Quezon City Rep. Angelina “Helen” Tan na naging mahina ang pagtugon ng mga LGU sa contact tracing at bagaman sumusunod ang ilan ay hindi na nahahanap ang mga nakasalamuha ng na-infect ng virus.

Sinabi ni Magalong na maaaring dahil ito sa kakulangan ng pondo ng mga LGUs para maipatupad ng maayos ang contact tracing.

Posible ring dinadaya umano ng ilang LGUs ang contact tracing dahil apek­tado ang kanilang turismo at ilan naman ay hindi talaga ito sineseryoso.

Sa nakalipas na apat na linggo ang average ng contact tracing ay nasa 1:7 sa buong bansa pero ngayon ay nasa 1:3 na lamang ito.

Nangangahulugan ito na ang pamilya lamang ng na-infect ang nako-contact tracing at hindi ang iba pang nakasalamuha ng mga ito.

Aniya, maaari ring hindi nai-encode ng mabuti ng mga LGUs ang mga nakasalamuha ng isang indibidwal na nagpositi­bo sa virus kung saan ang mga na-infect ay mas marami pa ang nahawaan.

Isa pa sa mga dahilan sa pagbagsak ng contact tracing ay hindi gumagamit ang maraming LGUs ng uniformed data collection tool kung saan sa lungsod ng Baguio City ay mahigpit itong ipinatutupad maging sa mga establisyemento. Ayon kay Magalong, Stay Safe.PH ang ginagamit nila sa kaniyang lungsod.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with