^

Bansa

May ayuda sa manggagawa - DOLE

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling magbibigay ng financial assistance ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawang maaapektuhan ng panibagong ECQ sa National Capital Region (NCR) at mga karatig-lalawigan.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maaa-ring magsumite ng kanilang aplikasyon para sa tulong pinansyal ang mga manggagawa maging mga OFWs sa pagtawag sa DOLE Hotline 1349.

Makakatanggap ang mga nasa formal sector ng P5,000 one-time cash assistance sa ilalim ng CO-VID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), habang P10,000 sa mga OFWs sa ilalim naman ng Abot Kamay Ang Pagtulong (AKAP) program.

Upang masala ang mga kuwalipikadong manggagawa, pagbabasehan ng DOLE ang isusumiteng payroll ng mga kumpanyang apektado ng ECQ. Ire-remit ang pondo sa employer na siyang bahala na ipamahagi ito sa kanilang mga empleyado.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with