Maynilad, lumikha ng 350K na trabaho
MANILA, Philippines — Lumikha ang Manuel V. Pangilinan-led Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang private water concessionaire sa West Zone ng may mahigit 350,000 trabaho mula nang maipatupad ang re-privatization noong 2007.
Kasama sa mga nilikhang trabaho ay mula sa mga contractors at suppliers na kinomisyon ng Maynilad para makopo ang P109-bilyong halaga ng capital expenditure projects mula 2007 hanggang 2020.
Ilan sa Capex initiatives ng kompanya ay ang malawakang rehabilitasyon at pagpapalit ng mga luma na tubo ng tubig, paglalagay ng bagong linya ng tubig sa mga unserved areas, paglalagay ng valves at iba pang measuring devices sa kanilang water infrastructure network at pagtatayo ng bagong pumping stations, reservoirs at treatment facilities.
“Even as our infrastructure projects bring potable water to more West Zone communities, it also helps to keep the economy going through the creation of jobs. We are committed to continue generating employment opportunities through our service improvement projects, notwithstanding the effects of the pandemic on our operations,” pahayag ni Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez.
Ang Maynilad na pinakamalaking private water concessionaire sa Pilipinas ay isang concessionaire ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa West Zone ng Greater Manila Area na kabibilangan ng Maynila, Quezon City Makati, Caloocan, Pasay, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Valenzuela, Navotas at Malabon sa Metro Manila; Cavite City, bayan ng Bacoor, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario sa Cavite Province.
- Latest