^

Bansa

Aksyon ng gobyerno sa protected areas sa Rizal, hinihintay pa rin

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Aksyon ng gobyerno sa protected areas sa Rizal, hinihintay pa rin
Nag-ugat ito sa isang memorandum of agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Masungi Georeserve para pamahalaan ng huli ang libu-libong ektaryang lupain sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL). Naniningil rin umano ng malaki ang pribadong operator ng libong halaga ng entrance fee sa mga turista makaraang buksan ito sa publiko.
Masungi Georeserve Foundation, Handout

MANILA, Philippines — Nawawalan na umano ng kumpiyansa sa pamahalaan ang mga Dumagat sa Antipolo City sa Rizal dahil sa kawalan ng aksyon ukol sa mga kasong isinampa nila laban sa mga operators ng Masungi Georeserve kaugnay ng paniningil sa mga turistang bumibisita dito.

Kabilang sa mga kasong isinampa sa Rizal Prosecutor’s Office ng mga Dumagat laban sa pribadong operator ng Masungi ay paglabag sa Anti-Graft Law at maging ang Indigenous People’s Right.

Nag-ugat ito sa isang memorandum of agreement sa pagitan ng pamahalaan at ng Masungi Georeserve para pamahalaan ng huli ang libu-libong ektaryang lupain sa Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL). Naniningil rin umano ng malaki ang pribadong operator ng libong halaga ng entrance fee sa mga turista makaraang buksan ito sa publiko.

Unang sinabi ni Environment Assistant Se-cretary Ricardo Calderon na lugi ang pamahalaan dito dahil sa walang binabayarang buwis o parte ng kita ang pribadong operator.

Giit ng mga Dumagat na ipawalang-bisa ng pamahalaan ang MOA na pinasok ng DENR at ope­rator ng Masungi Georeserve na matatagpuan sa Baras, Rizal. Taong 1993 nang ideklara ng DENR ang lugar bilang istriktong “nature reserve at wildlife sanctuary”.

vuukle comment

MASUNGI GEORESERVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with