^

Bansa

Kompensasyon, cash-for-work para sa industriya ng baboy na tinamaan ng ASF, hirit

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nais ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na mabigyan ng karampatang tulong ang mga magbababoy na nawalan ng kabuhayan dahil sa African swine fever (ASF) sa ilalim ng isinusulong niyang state of national calamity sa industriya ng baboy.

Ayon kay Pangilinan, kapag naaprubahan ang state of national calamity ay mabibigyan ng dagdag na pondo ang Department of Agriculture (DA) mula sa calamity fund para sa kabayaran sa mga tinamaan ng ASF at biosafety para mapigil ang pagkalat nito.

Ang state of national calamity ay unang ipinanukala ni Pangilinan sa isang privilege speech at isinulong niya sa pamamagitan ng resolusyon na sinuportahan naman ng buong Senado.

Sa ilalim ng state of calamity, sinabi ni Pangi­linan na mabibigyan ang mga magbababoy ng P10,000 kompensasyon sa bawat ulo ng baboy nila na tinamaan ng ASF.

“Ito ang hinihinging halaga ng ating mga magbababoy para sila’y makabawi mula sa ASF,” wika ni Pangilinan.

Nais din ni Pangilinan na bigyan ng cash-for-work ang mga nagtatrabaho sa industriya ng baboy para may panggastos sila sa araw-araw.

vuukle comment

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with