^

Bansa

Pagbabawal sa paglabas ng mga bata idinepensa ng Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pagbabawal sa paglabas ng mga bata idinepensa ng Malacañang
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinairal ang police power ng gobyerno para protektahan ang publiko.
Presidential Photo/Yancy Lim

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol kahapon ng Malacañang ang desisyon ng gobyerno na pagbawalang lumabas ang mga bata sa loob ng dalawang linggo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinairal ang police power ng gobyerno para protektahan ang publiko.

Nauna rito, sinabi ng United Nations International Children’s Emergency Fund’s (UNICEF) na ang nasabing hakbang ay labag sa karapatan ng mga bata.

Ipinunto naman ni Roque na sa paggamit ng police power, may nasasagasaang karapatan pero ito ay para sa kabutihan ng lahat.

Bagaman at kinikilala ng UNICEF ang ginagawa ng gobyerno para makontrol ang pagtaas ng kaso ng COVID-19, inihayag ng grupo na labag sa karapatan ng mga bata ang desisyon ng Metro Manila Council.

Sinabi rin ng UNICEF na malaki na ang epekto sa mga bata ng mga ipinatutupad na lockdowns.

Tanging ang mga indibiduwal lang na 18 hanggang 65 taong gulang ang pinapayagang lumabas ng kanilang tahanan sa gitna nang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

vuukle comment

UNICEF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with