^

Bansa

37 lugar sa Pasig naka-'granular lockdown' na dahil sa COVID-19 cases

Philstar.com
37 lugar sa Pasig naka-'granular lockdown' na dahil sa COVID-19 cases
Kuha kay Pasig Mayor Vico Sotto habang nagtatalumpati sa harap ng publiko
Mula sa Facebook account ni Vico Sotto

MANILA, Philippines — Inanunsyo ang lockdown sa mas maraming lugar sa Lungsod ng Pasig ngayong Biyernes kasunod ng pagsipa ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Idineklara 'yan ni Pasig City Mayor Vico Sotto kanina, ilang oras bago iulat ng DOH ang record-breaking 7,103 new COVID-19 infections sa bansa — ang pinakamalaki sa kasaysayan ng Pilipinas sa iisang araw.

Basahin: 'Highest ever': 7,103 new COVID-19 cases sa bansa inulat ng DOH ngayong araw lang

"With the surge of cases and the emergence of variants, and upon recommendation of our City Epidemiology and Surveillance Unit (CHD-CESU), I am declaring GRANULAR LOCKDOWN in 37 AREAS of Pasig City," ani Sotto.

Bagong Ilog

  • Tatco St.
  • Flores St.
  • Santiago St.
  • Bagong Katipunan
  • Asedillo St.

Bambang

  • F. Castillo St.
  • Pio Alvarez St.

Caniogan

  • Col. P. Licsi St.
  • Rose St., Villa Upeng
  • Tatlong Bayani St.

Dela Paz

  • Poinsettia St., Sonia Subdivision
  • Karangyaan St., Ph 2A, Karangalan Village

Kapitolyo

  • Sta. Teresita St.

Manggahan

  • Ampalaya St., Napico

Maybunga

  • 158 Westbank Road, Floodway
  • 405 Dr. Sixto Antonio Avenue

Oranbo

  • 204 Hillcrest Circle

Palatiw

  • M.H. Del Pilar St.

Pinagbuhatan

  • 2024 Salandanan St.
  • 013 Willa Rey Village
  • Blk. 23 Kenneth, Eusebio Ave., Nagpayong
  • Ph2 Blk. 4, Ilugin
  • M.H. Del Pilar St.

Rosario

  • 28 C Ortigas Ave., Ext.
  • ROTC St.
  • Bernal St.
  • 130 Dr. Sixto Antonio Ave.
  • 6 Emerald St., Doña Juana

Sam Joaquin

  • Villa Hernandez St.
  • Villa Tupaz

San Miguel

  • Dr. Pilapil

San Nicolas

  • 33 F. Cruz St.

Sta. Cruz

  • Kap Ato St.

Sta. Lucia

  • 1050155 Ave., Soldier’s Village
  • 54 Rosario Village
  • Blk 1 Lot 5, Tamarind Rd, Summerfield, De Castro

Sumilang

  • Jabson 2

Ugong

  • C. Santos St.

With the surge of cases and the emergence of variants, and upon recommendation of our City Epidemiology and Surveillance...

Posted by Vico Sotto on Thursday, March 18, 2021

Paano ang epekto niyan?

  • 'Hindi ECQ': Idiniin ni Sotto na hindi ito kagaya ng pinakamahigpit na enhanced community quarantine (ECQ) laban sa COVID-19. Papayagang lumabas ang mga patungong trabaho (authorized persons outside residence) o mga may kailangang tugunang emergency.
     
  • Bawal bisita: Mas magiging mahigitpit ang Philippine National Police at mga barangay officials sa lugar. Hindi muna pahihintulutan ang mga bisita at bawal lumabas ng bahay ang mga hindi APOR.
     
  • Dalawang linggong lockdown: Ngayong araw, ika-19 ng Marso, hanggang ika-1 ng Abril epektibo ang granular lockdown. Gayunpaman, depende pa raw ito sa magiging mungkahi ng CESU. Bukas, ika-20 ng Marso, magsisimula ang striktong implementasyon nito.

"Mag-ingat po tayo. Hindi biro ang mga kumakalat na [COVID-19] variant. Malapit na sa kapasidad ang healthcare system natin. Kung walang importanteng lakad, manatili sa ating mga tahanan," dagdag ni Sotto.

Matatandaang nasa Pilipinas na ang B.1.351 at B.1.1.7 variant ng COVID-19. Parehong mas nakahahawa ang dalawa, habang ang nauna ay sinasabing nakapagpapababa ng bisa ng ilang bakuna. — James Relativo

vuukle comment

LOCKDOWN

NOVEL CORONAVIRUS

PASIG

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with