^

Bansa

'Joke only': Duterte wala raw cancer kahit paubo-ubo sa speech, ani Roque

James Relativo - Philstar.com
'Joke only': Duterte wala raw cancer kahit paubo-ubo sa speech, ani Roque
Talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, ika18 ng Pebrero, 2021, habang siya'y nasa Joint National Task Force-Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-RTF ELCAC) Region 8 meeting sa Talocan City
Presidential Photos/Alfred Frias

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Malacañang na tinamaan na ng nakamamatay na canser ang Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kapansin-pansing mga pag-ubo sa kanyang talumpati nitong Huwebes.

Kahapon kasi nang ihirit ni Digong na baka may meron siya nito habang nasa joint meeting ng National Task Force and Regional Task Force to end Local Communist Armed Conflict:

"Pasensya na kayo sa — I don’t know, but ‘yong pagka-ubo, progressive. Baka cancer na ang putang ina. Gigaba — nakarma na doon sa gi-krrkk."

"On the basis naman on what I saw also on TV, I could [say] na nagbibiro naman po ang presidente," pagtitiyak ni presidential spokesperson Harry Roque, Biyernes.

"Kasi naubo nga po siya tapos ang sabi niya, 'Baka cancer na ito.' I think it's really a joke of the president and should not be taken to mean na may cancer talaga siya."

Aniya, isa raw ito sa mga dahilan kung bakit siya laging sumasama sa mga meeting ng pangulo para maklaro sa publiko kung nagbibiro lang ang 75-anyos — na dati nang inuungkat ang estado ng kalusugan. Gayunpaman, hindi ito magagawa ni Roque dahil COVID-19 positive siya.

Basahin: Doc's advice to Duterte on ailment nearing stage one cancer given a 'long time ago' — Palace

Kaugnay na balita: Back pain from motorcycle mishap adds to Duterte's litany of health issues

"I don't have any information [kung] dapat mag-alala tayo... Ang presidente naman ay abogado. Susunod po siya sa Saligang Batas, kung meron siyang seryosong karamdaman, ipagbibigay niya po 'yan sa publiko," dagdag ni Roque.

  • Health issues: Dati nang inamin ni Duterte na meron siyang "Myasthenia gravis," "Barrett's esophagus" at iba't iba pang mga luimang injury sa spine dahil sa dating motorcycle crash.

Medical bulletin ni Digong, ilalabas pa ba?

Dati nang ipinapanawagan sa Korte Suprema ng abogadong si Dino de Leon na maglabas ng regular at official health bulletin si Digong. Gayunpaman, dinismiss ito ng Supreme Court noong ika-8 ng ng Mayo, 2020.

Aniya, bigo raw kasi si De Leon na patunayang may "serious illness" ang pangulo. Dahil dito, maglalabas lang daw ang Palasyo ng naturang bulletin "kung gusto" ng kanyang tanggapan.

"[T]he petition failed to set forth his material allegations to establish the prima facie case (based on first impression) for mandamus," ayon noon sa SC.

"[S]tate of health or analysis as to the actual condition of the president should be left to the president and his doctor."

vuukle comment

CANCER

HARRY ROQUE

HEALTH

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with