^

Bansa

Walang binatbat ang virus: PSN patuloy na namamayagpag

Ramon M. Bernardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Itong pandemya ang tila bagong pagsubok na dumaan sa buhay ng pahayagang ­Pilipino Star ­Ngayon.

Sa nagdaang 35 taon, patuloy pa rin at nagpapatuloy ang kanyang operasyon at pagseserbisyo sa mga mambabasa nito at sa buong mamamayang Pilipino sa loob man o labas ng Pilipinas. Kahit may bagyo, lindol, pagputok ng bulkan, kudeta, people power 2, pagpapalit ng presidente, krisis sa ekonomiya at ngayon nga ay ang pandemya ng coronavirus disease 2019 na puminsala sa maraming buhay at kabuhayan sa buong mundo.

Gayunman, ang pakikisabay ng PSNgayon sa makabagong teknolohiya ay masa­sabing nakatulong para maigpawan nito ang mga nabanggit na pagsubok. Bukod sa pagkakaroon ng sarili nitong website sa pamamagitan ng www.philstar.com kasama ng iba nitong mga kapatid na pahayagan tulad ng Pang-Masa, Philippine Star, Freeman, Banat at Interaksyon, nagagamit ng pahayagang ito ang mga makabagong sistema o kagamitan sa komunikasyon para patuloy na makapaghatid ng balita at ibang impormasyon sa mga mambabasa nito.

 Hindi naging hadlang ang mga social distance, face mask, face shield at ibang mga health protocol kaugnay ng virus ng CO­VID-19 para makakuha ng mga bagong balita at maihatid ito nang walang patid sa mga mamamayan. Sa tulong ng internet at smartphone, cellphone, laptop at tablet / iPad at ibang makabagong gadget, nagagawa pa rin ng mga reporter na magkober sa kani-kanilang beat, kumakapanayam ng mga opisyal ng pamahalaan, at iba pa para makakuha ng mga updated na balita sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. 

May mga press conference na ginagawa sa tulong ng zoom ha­limbawa o Facebook o iba pang means ng komunikasyon.

Halos hindi na kailangan ng reporter na lumabas ng bahay para magtrabaho. Lalabas na lang sila kung kinakailangan para sa pagkuha ng mga pinakasariwang balita.  Hindi na rin nila kailangang pumunta sa opisina ng PSNgayon para magawa at maipadala ang kanilang mga istorya. Ipinapadala na lang nila ang kanilang mga istor­ya sa pamamagitan ng email o kaya sa social media o kung maaari ay sa text sa tulong ng smartphone.

Maging ang mga editor ay sa bahay na lang din ginagawa ang kanilang trabaho. Sa pahintulot ng pangasiwaan ng PSNgayon, para na rin sa kanilang kaligtasan.  Pupunta na lang sila sa opisina kung kailangang-kailangan. Naging mabisa ang work from home sa patuloy nilang pagseserbisyo sa mga mambabasa ng pahayagang ito. Nag-uusap na lang ang mga reporter at editor sa pamamagitan ng cellphone o kaya sa messenger sa Facebook at ibang social media o kaya sa SMS.

Pagkatapos ng edi­ting ng mga istorya at layouting, ipapadala na lang ng editor ang natapos nilang trabaho sa mga layouter sa opisina sa pamamagitan ng email o Facebook. Sa email din o text o messenger na rin nag-uusap ang mga editor at layouter sa mga bagay na kailangan sa pagsasara ng mga pahina.

Maaaring may kon­ting pagbabago sa mga pahina ng PSNgayon dahil sa mga problemang idinulot ng virus ng COVID-19 pero nariyan pa rin ang mga seksyon ng bansa, metro, pro­binsya, opinion, showbiz, libangan at sports na nagsisilbing iba’t-ibang klaseng putahe na umaangkop sa panlasa ng mga mambabasa nito. Kaya nga walang binatbat ang virus na ito. Patuloy sa pamamayagpag ang PSNgayon kahit pa matapos ang pandemya.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with