^

Bansa

'Maliit na bagay'? Duterte binweltahan sa year-long COVID-19 crisis

James Relativo - Philstar.com
'Maliit na bagay'? Duterte binweltahan sa year-long COVID-19 crisis
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nakikipagpulong sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-15 ng Marso, 2021
Presidential Photos/King Rodriguez

MANILA, Philippines — Hindi natuwa ang ilang sektor sa panibagong "pagmamaliit" ni Pangulong Rodrigo Duterte sa papel ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic sa buhay ng mga Pilipino — bagay na insensitive daw sa isang taong pasakit sa gitna ng quarantine at lockdowns.

Kagabi nang tawaging "maliit na bagay" ni Digong ang COVID-19 sa kabila ng 626,893 nahawaan at 12,837 namatay sa bansa mula 2020, dahilan para mag-trend sa Twitter Philippines ang #DutertePalpak:

"I will just say to my countrymen that do not despair. Kaya natin ito COVID na ito. Maliit na bagay ito sa buhay natin. Marami tayong dinaanan mas ano, mas grabe, mas mahirap."

'Insulto sa Pilipino'

"We are living through the worst health and economic crisis on record with the fascist military generals in charge. Nasaang planeta ba ang Pangulo?" galit na sabi ni Gabriela Rep. Arlene Brosas, Martes.

"Insulto ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte sa mga namatayan at nagkasakit dahil sa COVID-19, sa milyun-milyong nawalan ng trabaho at hanapbuhay, sa libu-libong inaresto at ikinulong na mahihirap dahil umano sa paglabag sa protocols, at sa mga pamilyang kailangang tiisin ang hirap at gutom."

Aniya, ipinakikita lang nito na detached ang presidente sa tunay na kalagayan ng mga mamamayan ngayong anibersaryo ng lockdown. 

Taon ng record-highs: Umabot sa 4.5 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho noong 2020 — na 15-year high kasunod ng shutdowns dahil sa restrictions. Umabot pa 'yan sa 17.7% unemployment rate Abril noong nakaraang taon (7.3 milyong walang trabaho),  ang pinakamataas na maaaring ikumpara sa kasaysayan ng bansa.

Lagapak sa ekonomya: Umabot sa 9.5% ang ibinulusok ng gross domestic product (GDP) ng Pilipinas para sa buong 2020 — na pinakalaking contraction din sa Philippine history.

Sa kabila ng fourth largest single-day increase ng COVID-19 cases nitong Lunes at panunumbalik ng Metro Manila lockdowns at curfews, una na ring sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na wala pang plano ang gobyerno sa panibagong round ng ayuda sa pamamagitan ng social amelioration program (SAP).

Una nang inihain nina Speaker Lord Allan Velasco at Marikina Rep. Stella Quimbo ang Bayanihan 3 o "Bayanihan to Arise As One Act" para ipagpatuloy ang COVID-19 recovery efforts ng gobyerno.

Walang lamang pangako?

Binira naman ni Alliance of Concerned Teachers Rep. France Castro ang mga sinabi ni Digong kagabi, habang idinidiing hindi kailangan ng taumbayan ang "empty words" gaya ng "huwag matakot, hindi ko kayo iiwan."

"Ang kailangan ng mamamayan ay mass testing, mabisang contact tracing, sapat na ayuda, epektibo at episyenteng vaccine roll-out. Kailangan na rin ng mga guro at mag-aaral ng konkretong plano para sa ligtas na balik-eskwela sa lalong madaling panahon," sabi ng kinatawan ng mga guro.

Pilipinas ang huling bansa sa ASEAN Region na nakapagsimula ng COVID-19 vaccination nito, habang trilyon-trilyon na diumano ang inuutang. Ilang araw pa lang nang makakuha ng $900 milyong utang sa World Bank at Asian Development Bank ang Pilipinas para sa COVID-19 vaccine procurement: "[S]a kasalukuyan ay umaasa ng lubos lang ang bansa sa mga donasyong bakuna mula sa Covax facility ng World Health Organization," banat naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.

"Muli hindi maliit na bagay ang isang taong pahirap na dinanas at patuloy pa ding dinadanas ngayon ng ating mga kababayan!"

Roque: Temporary crisis ang ibig sabihin niya

Sa kabila ng mga batikos na natanggap ni Digong simula kagabi, nagtangkang ipaliwanag ni Roque na hindi ito sinabi ng pangulo para maliitin ang paghihikahos ng mga Pilipino sa ilalim ng COVID-19.

"By and large po, ang sinasabi ng presidente ay compared to other countries, lalong lalo na 'yung ating fatality rate nasa 2.05% po, we have been spared from even more deaths na ne-experience ng mga mas mayayaman... na bansa," wika ng tagapagsalita ni Duterte kanina.

Mapapansing hindi talaga iyan ang sinabi ni Pangulong Duterte.

"Ang sinasabi lang po ng presidente, temporary lang po 'yan. Hindi po 'yan forever. Lilipas din po 'yan at kapag pagdating po ng bakuna, magkakaroon po tayo ng solusyon sa ating problema."

Dagdag pa niya, hindi ito pagmamaliit kundi pagdidiin lang na babangon sa pagkabagsak ang Pilipinas.

vuukle comment

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

BAYAN MUNA

COVID-19 VACCINE

GABRIELA

HARRY ROQUE

NOVEL CORONAVIRUS

RODRIGO DUTERTE

UNEMPLOYMENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with