^

Bansa

Back to square one sa ika-1 taon ng lockdown - Binay

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinuna kahapon ni Sen. Nancy Binay na kahit isang taon na simula noong magkaroon ng lockdown, “back to square” one o halos walang nangyaring pagsulong sa ginagawang pagsugpo sa COVID-19.

Ayon kay Binay, iba-iba ang ipinararating na mensahe sa mga mamamayan at walang malinaw na exit plan laban sa ningas-cogon approach kaya biglang tumaas na naman ang bilang ng may impeksiyon.

Tinatayang aabot sa 8,000 araw-araw ang magiging kaso ng mga virus hanggang sa katapusan ng Marso sa Metro Manila pa lamang.

Nababahala si Binay na hindi dire-diretsong nai­patutupad ang minimum health protocols sa mga public places at maging ng ilang opisyal ng gobyerno.

Pinuna ni Binay na mayroon ding mga national leaders na nagpapakita ng “ningas-cogon” na pag-uugali at nakakalimot na mayroon pang banta ang nakamamatay na virus.

“What’s ironic is that after a year since the lockdown, naririto pa rin tayo... hindi umuusad. Parang walang nagbago—same problems, same issues, same recommendations,” ani Binay.

Naniniwala rin si Binay na ang mga rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na pagbubukas ng turismo, mga resorts, sinehan at iba pa ay nagbibigay ng impresyon sa mga mamamayan na balik na ulit sa normal ang lahat at nababalewala ang mensahe na maging maingat dahil lumalakas ang COVID-19.

Tinira rin ni Binay ang mga opisyal ng gobyerno na hindi sumusunod sa mga minimum health protocols.

vuukle comment

NANCY BINAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with