^

Bansa

Walang tagumpay na hindi makakamtan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Kapag inuna ang Panginoon

MANILA, Philippines — Unahin ang Pa­ngi­noon sa lahat ng bagay at pagkakataon dahil siya ang susi at gabay ng tagumpay sa ating buhay.

Ganito mailala­rawan ang Pilipino Star Ngayon (PSN) kaya nananatiling ‘Numero Uno sa Trenta’y Singko’.

Natatangi ang PSN sa lahat ng pahayagan na nababasa ng publiko, dahil makikita sa frontpage nito ang bilog na logo na may nakasulat na “GOD 1ST, All Glory to the King”.

Kaya nakamtan at narating ng PSN ang tagumpay at patuloy pang makakamtan sa mga darating pang taon, panahon at pagkakataon ay dahil sa gabay at patnubay ng Panginoon.

Isang malinaw na katibayan ng mga biyayang patuloy na natatanggap ng PSN ay ang pananatili pa rin nito sa sirkulasyon at pangunguna bilang numero unong pahayagan kahit pa ngayong panahon ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Hindi lingid sa lahat na dahil sa pandemya ay maraming mamamayan ang nawalan ng trabaho at mara­ming negosyo ang nagsara, ngunit sa kabila ng lahat nang ito, nanatiling matatag ang PSN, na nag-iisang pahayagan na nanatiling nag-iimprenta ng diyaryo at ipinagbibili sa mga lansangan kahit noong kasagsagan ng CO­VID-19 lockdown noong nakaraang taon.

Marami ring em­pleyado ng ibang pahayagan ang hindi nakasuweldo, binawasan ng suweldo o tinanggalan ng allo­wance, habang ang iba ay tuluyan nang nawalan ng trabaho, ngunit ang PSN ay nanatili pa ring matatag at tuloy ang maayos at kumpletong pasahod sa mga empleyado at pagbibigay ng ayuda kahit pa kabilang din ang kumpanya sa mga naapektuhan ng pandemya.

Maging ang mga top executives ng PSN sa pangunguna ni boss Miguel Belmonte, Pre­sident; Jo Lising-Abelgas, Editor in Chief; Lucien C. Dy Tioco, Exe­cutive Vice President; Angie S. Isidro, Finance Head; Edna V. Abong, Advertising Manager; Edwin L. Monforte, Circulation Director at lahat ng empleyado ng PSN ay palagiang inuuna ang taos pusong pasasalamat sa Panginoon pagkagi­sing o pagdilat pa lamang ng mga mata sa umaga.

Kapag ipinagkatiwala natin sa Dakilang Lumikha ang ating sarili, gawain, trabaho, negosyo at iba pa, tiyak na dadaloy ang grasya.

Masipag at matiyaga rin kasi sa trabaho ang aming boss na si MGB. At higit sa lahat ay mabait, hindi lamang sa bawat empleyado ng PSN, lalo’t higit sa mga “less fortunate” na mga kababayan.

Hindi nakakali­mot na mag-share ng Blessing si Boss MGB, hindi lamang sa panahon na may kalamidad at okasyon, sa halip ay sa lahat ng pagkakataon.

Madalas ay kasama mismo siya sa Oplan Damayan sa paghahatid ng iba’t ibang tulong sa mga nangangailangan na kababayan.

Naniniwala kasi si Boss MGB na ang bukal at taos pusong pagdamay at pagtulong sa kapwa ay kinalulugdan ng Dakilang Lumikha.

Kaya naman patuloy na pinagpapala ang Pilipino Star Nga­yon dahil sa maka-Diyos na gawain.

Happy 35th year Anniversary po sa lahat, Stay Safe, GOD BLESS US ALL.

vuukle comment

PILIPINO STAR NGAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with