^

Bansa

State of emergency sa ASF inindorso ng Senado

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
State of emergency sa ASF inindorso ng Senado
Ayon kay Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture, kapag may state of national emergency ay maglalaan ang gobyerno ng pondo na pang ayuda sa mga magbababoy na mapipilitan na ipapatay ang kanilang mga alaga at hindi na ibenta dahil may ASF.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Inindorso na ng Senado sa Malakanyang na magdeklara ng state of national emergency dahil sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF) na pumipeste sa mga baboy.

Ayon kay Sen. Cynthia Villar, chairman ng Senate committee on agriculture, kapag may state of national emergency ay maglalaan ang gobyerno ng pondo na pang ayuda sa mga magbababoy na mapipilitan na ipapatay ang kanilang mga alaga at hindi na ibenta dahil may ASF.

Nauna namang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na maglalabas sila ng P28 bilyon na pang tulong sa magbababoy dahil sa ASF subalit luma­labas na ang P27 bilyon nito ay ipapautang nito at ang P500 milyon lamang ang ibibigay bilang ayuda.

Mapagkukunan naman umano ng pangtulong sa mga hog raisers ang nakukuhang taripa o buwis sa importasyon sa mga baboy.

Sinabi naman ni Agriculture undersecretary Ariel Cayanan na nagbibigay na sila ng ayuda para sa bawat baboy na nagkakasakit.

Iginiit ni Villar na hindi ito sapat dahil mabagal ang pamimigay.

vuukle comment

ASF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with