^

Bansa

‘Mild COVID-19 cases’ dadalhin sa isolation facilities

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inirerekomenda ngayon sa mga ospital ni Department of Health Underse­cretary at treatment czar Dr. Leopoldo Vega na ipa-confine sa mga “isolation facilities” ang mga bagong “mild cases” ng COVID-19 upang maiwasang humantong sa “critical level” ang  mga pagamutan.

Ito ay makaraan na ma-monitor ang pagtaas ng COVID-19 admissions sa mga ospital sa Metro Manila maging sa Cagayan Valley at Central Visayas. 

Pero nilinaw ni Vega na nasa “moderate risk level” pa rin ang kapasidad ng mga pampubliko at pribadong ospital sa naturang mga rehiyon. “Nakaa-alarm kasi tumataas na rin ang active cases. Alam natin once tumaas ang active cases, tataas na rin ang rate of admission, and of course ‘yung nangangailangan ng intensive care unit at saka ventilators,” ayon kay Vega.

Bukod dito, importante rin na mapalakas pa ang “biosurveillance” lalo na sa mga nagbabalik sa mga probinsya makaraan ang pagkakatuklas ng South African, United Kingdom at iba pang mutation variants ng COVID-19 sa bansa.

Kailangan na rin umanong magbago ng ugali ng mga Pilipino na hanggang hindi dinadapuan ng sakit ay magpapabaya sa kanilang seguridad.

“Kung di natin ayusin ‘to at di magbago ang ating beha­vior, mahihirapan, matatalo tayo sa transmission ng virus. Ito na ang race between vaccination and infection so kailangan natin matalo ang transmission,” giit ni Vega.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with